Politics 101
Kelangan natin ng sistema na kung saan ay hindi na makakapangurakot at makakapanakot ang isang opisyal. Kelangan natin ng pang counterbalance sa kapangyarihan na kanilang pinanghahawakan. At paano natin magagawa iyon? Ang mga sumusunod na sistema ay mga naisip ko na sa tingin ko ay makakatulong sa pagcounterbalance ng kapangyarihan.
- Dapat ay maging transparent ang lahat ng galaw ng bawat politiko. Kung merong mga biniling materyales o construction vehicles, lahat ng resibo ay documented. Lahat ng gastusin ay dapat nakabreakdown. Lahat ng dokumento ay dapat accessible sa lahat ng may gustong tumingin dito, mayaman, mahirap, kapartido man o katunggali, kapamilya man o kapuso.
- Dapat ay malimitahan ang military/police protection ng isang politiko. Sino ba naman ang maninita sa isang politiko kung ang politiko ay may dalawang dosenang bodyguards (goons)?
May naalala akong kwento sa bandang ilocos (ndi ko na sasabihin kung anong municipality), may isang gustong maging politiko na gustong lumaban sa pagkamayor sa isang higanteng political dynasty dahil gusto nya ng pagbabago. Ang nangyari, dinaya ang politiko. Bukod sa natalo na ang politiko, pinatay pa. Sino ang may maglalakas loob muli na lumaban sa dynasty na ito?
- Dapat ay magkaroon tayo ng sistema na hindi dadaan ang pera sa politiko. (Hwaw, pano un?) Magkakaroon ng Agency na hahawak sa pondo ng politiko. Kung kelangan ng isang politiko ng panggawa ng proyekto, katulad ng tulay, ang Agency na ito ang bibili ng materyales, magpoprovide at magpapasweldo sa mga tauhan. Pwedeng magsuggest ang isang politiko kung saan o kanino bibilhin ang materyales basta mas mababa ang presyo neto kaysa sa pinagbibilhan ng Agency. Kung kelangan ng isang politiko ng military escorts (o escort service), Agency din ang cocontact sa military para kumuha ng tauhan. Kung walang gagawin ang politikong eto, hindi masasayang ang pondo dahil wala sa kamay ng politiko ang pera.
Pasensya na. Ako ay isang Idealist at hindi realist.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home